Photo reblogged from Naruto Kun - Blog with 27 notes
Chibi Yondaime tries his hand at a spot of painting..
cute cute. :)
linggo. alas sais y media ng gabi. sa isang simbahan na malapit lang sa amin.
alam kong isa ito sa mga huling beses na magkakasama kami ng matagal. ayokong magpakita ng kahit anong emosyon na magpapalungkot sa kanya. gusto ko, aalis siya sa lugar na ito na may ngiti. may alaalang aalalahanin at taong babalikan.
tahimik ako habang naglalakad patungo sa kanya. hindi man halata, nalulungkot ako. tapos na kasi ang maliligayang sandali. tapos na ang bawat paglusong ko sa baha para makasama siya. tapos na pagsundo sa kanyang workplace.
at maiiwang nakatiwangwang ang burger machine.
papalapit ako ng papalapit sa kanya.
‘kamusta?
-mamaya na tayo sa next mass.
‘oks oks.
(katahimikan.)
‘aalis ka na. bukas right?
(katahimikan.)
-mangomunyon tayo.
‘(hesitant.) (pero para sa’yo..) oks oks.
‘(sa isip..) mawawala ka na. mamimiss mo kaya ako? pagdating mo dun, maalala mo pa kaya ako? kaya nga ba natin ang ganitong set-up? oo sana, ang o.a ko..hindi naman ganoon kalayo ang destinasyon mo, pero malaking kawalan ang anim na beses sa isang linggo na hindi kita makikita.
-pawis na pawis ka, magpunas ka nga. may panyo ka?
‘alaws eh.
biglang may umabot sa aking basang panyo. natural galing sa kanya.
‘thanks. bat basa? yak ka. nasa simbahan tayo eh.
sabay punas ng pawis. nagtatakbo ako papuntang simbahan. gusto kong sulitin ang oras na magkasama kami ngayon. haay..
-(tahimik.)
‘anong iniisip mo?
-wala.
‘weh? peksman?
-(tahimik.)
nakapila kami para sumubo ng ano..ng ostiya. at ako: nag-iisip. kaya ba namin? kaya ko nga ba? oo. sa tingin ko. mababaw lang ang lahat ng ito. pero bakit may kumokomplika ng isip ko?
[katawan ni kristo]
‘amen.
[katawan ni kristo]
-amen.
-uy, sa relic chapel..
(may lungkot siya sa kanyang boses.)
‘oks oks.
(full of enthusiasm.)
habang naglalakad kami, tinitignan ko ang buo niyang likuran. gusto ko siyang akapin bigla. sabihin sa kanya na: “bibilangin ko ang mga araw na wala ka sa tabi ko at sa oras na bumalik ka, triple ng bilang na yun ang mga araw na magsasama tayo at magsasaya.” pero hindi ko pwedeng gawin yun, nasa loob kami ng simbahan habang nagmimisa. ayokong gumawa ng eksena para lang maibsan ang mga ka-o.a-yan ko sa katawan.
pagdating sa chapel, sumalampak siyang bigla sa luhuran at nagsimula ng magdasal. tinitignan ko lang siya, habang kinakausap si Lord.
‘(sa isip) Lord, salamat kay topak. siya ang biyaya mo sa akin diba? salamat at katabi ko siya ngayon. salamat at sa huling pagkakataon, may pagkakataon akong pumunta sa balwarte mo na kasama siya. ayokong umalis siya, pero realidad ng buhay diba? kailangan niyang mabuhay. kailangang gampanan niya ang responsibilidad niya. masaya ako dahil nakilala ko siya sa sandaling panahon. magiging mahirap ang mga susunod na panahon pero kakayanin ko. kakayanin namin.
natapos na siyang magdasal. nakatingin lang ako sa kanya. ineeksamin ko ang mukha niya, kinakabisa.
-bakit? (ayan na naman siya sa pagtatanong with maamo face na parang inosente. cute na cute talaga ko sa kanya pag gumaganon siya.)
‘wala.
-bakit nga?
‘wala nga. tara na?
-magpa-bless tayo kay father?
‘oks oks.
lumabas na kami sa relic chapel at hinintay matapos ang mass para magpa-bless kay father.
at natapos na nga ang misa. lumabas na kami, sabay sa ilang daang tao na sumamba rin. gusto kong hawakan ang kamay niya, sa kahuli-hulihang pagkakataon. pero hindi pwede. gusto kong halikan siya, pero hindi rin pwede.
‘sasakay ka na?
-(tahimik.)
anak ng..bat ba ayaw niyang magsalita? oh sige. go go the silent treatment.
’..
-..
‘arrrrgh! magsalita ka naman! (sa isip lang..hahahaha!)
-..
‘san mo gustong tumawid? dito o sa kabila?
-sa kabila.
‘oks oks.
at tumawid na nga kami, hindi ko sinasadya, pero nahawakan ko ang kamay niya. natuwa ako dahil hindi niya ako pinigilan. pero pagkatawid namin, bumitaw rin siya agad. naiintindihan ko naman kung bakit. masakit lang na kung hindi pa kami tatawid, hindi ko pa mahahawakan ang kamay niya. sana tumawid ulit kami..sampung beses pa.
‘sasakay ka na?
-(tango.)
‘ingat ka dun. ingat ka pag-uwi. (mahal kita..mahal na mahal.) (pabulong lang ang huli. na hindi niya rin narinig.)
-pakabait ka.
‘(pinipigilan kong tumulo ang luha ko. kasi o.a yun.) yeh. bye.
at sumakay na nga siya. nilingon niya ko sabay flying kiss. at ako..nakatayo sa kung saan kami nagkahiwalay. nanlalamig. parang bato. at unti-unting hinihila papunta sa burger machine.
kung saan kami unang nagtagpo.
i wanna go back here. i mean, its not like bora, i know right. but this is more affordable! :)
i was never a fan of beaches not until i went to galera. i enjoyed the night life, the sand, the people, the food, everything! :)
here, where i lie awake
waiting for the arms to fold around and embrace
the noises that we make
are now silenced with the cold arms race
where are you now?
are we there yet?
where are you now?
are you coming back?
the mistletoe and the fireworks are gone
still i dont know where you have gone
i opened myself for other possibilities
yet you are still the one that i miss
i`ll let myself wander
yet i still wonder
for the massive longing
oh yes, i am still hoping
i can`t let go
i am hurting though
why i can`t let go
and why i am hurting though
Link with 1 note
hahaha! issue to! si sir ferrer at si cielo? goodness..hahahah!
Source: facebook.com
Photo with 641 notes
totoo ito. hahaha! eh ako pa naman, i am sweating like a maniac. :D hahahaha! so pawis-pawis ako ng sobra lalo na kapag di ko masagot yung question. hahahaha! XD
Source: dakilangsawi
Audio post with 4 notes - Played 45 times
this song keeps running inside my head! arrrgh! the headache! well, its good. i mean really really good. :)